
ARTIST
MAIKLING KWENTO

Pagsulat ng Maikling Kwento
Isa sa mga kinahiligan ko ang pagsulat ng mga kwento. kung isusuma total ang lahat ng aking nagawang kwento, p'wede na akong makapaglimbag ng isang libro. Madalas ang mga kwentong sumasagi sa aking isipan ay naikukwento sa aking mga mag-aaral. Oo, isa akong guro. Minsan sa klase, kung walang ginagawa ang lahat; imbis na mag-ingay at maglaro sa loob ng klase ay mas minamabuti kong magkwento sa kanila ng mga kwentong doon ko lang din naisip.
Ang ilan sa gawa ko naisulat ko, subalit ang iba ay isusulat ko pa lamang. Kaya sa website na ito hayaan n'yo akong maging malaya. Maging bihasa sa paglikha ng kwento at tula.


TULA


Pagsulat ng Tula
Nagsimula ang lahat noong high school pa ako. Inaamin ko, dahil di ganoon kahusay sa wikang Ingles. napamahal ako sa Filipino; Ang subject na gusto ko pero hindi ako gusto.
Kapag may pagkakataong pinagagawa kami ng aming sariling tula, ako agad ang laging nasa gitna. Ewan ko? Pero nagustuhan ko s'ya. Maraming pagkakataong nagsusulat ako sa iba't ibang bahagi ng eskwelahan. Naranasan ko ring magsulat sa loob ng MRT comfort room habang abala sa aking dinadalang... alam mo na yun.
Walang pinili ang tula. basta't pumasok sa isip ko agad ko itong isinusulat. Kahit walang ibig sabihin o koneksyon sa akin basta't tula ang pinag-uusapan walang makakawalang titik sa aking papel at utak na sulatan.

PAGGUHIT


Pagpinta at Pagguhit
Hindi ko alam kung saan ko natutunan, pero seguro bunga ito ng panonood ko ng mga cartoons sa bahay. Noong una stickman ang lagi kong ginuguhit. Subalit di naglaon ay nagbago na para bang... di ko alam, mahirap ipaliwanag. Di ko sinasabi na ako yung tipo ng taong sobrang galing sa larangang ito. Pero pwede kong sabihin na mataba ang utak ko sa pag-iisip ng mga figure na pwede kong i-drawing gamit ang lapis ko. Speaking of lapis, marami akong lapis iba't ibang shade at brand pero dahil sa dumaan ang maraming baha sa aming tahanan... goodbya lapis tyaga tyaga na lang sa kung anong mapupulot d'yan.