
ARTIST

MAIKLING KWENTO
Maikling kuwento
Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Edgar Allan Poe
Si Edgar Allan Poe (Enero 19, 1809 - Oktubre 7, 1849) ay isang Amerikanong manunulat. Nakilala siya dahil sa pagsulat ng nakagigimbal na mga maiikling kuwento at mga tula. Ang "The Raven" ang pinakakilala niyang tula, isang poesiyang nagsasalaysay tungkol sa ng pagdadalamhati at kawalan ng isang lalaki. Kasama sa iba pa niyang mga akda ang "The Tell-Tale Heart" at "The Cask of Amontillado." Gumanap ring patnugot at manunuring pampanitikan si Poe, kaya itinuturing din siya bilang bahagi ng Kilusang Romantiko sa Amerika. Kinikilala siya bilang imbentor ng uri ng salaysaying kathang-isip na pangdetektibo, at isa ring kontributor sa lumalaganap nang henero ng salaysaying makaagham. Siya ang kauna-unahang kilalang Amerikanong manunulat na sumubok na maghanapbuhay sa pamamagitan ng pagsusulat lamang, na naging sanhi ng kahirapang pangpananalapi sa buhay at larangan.
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
http://tl.wikipedia.org/wiki/Edgar_Allan_Poe
Edgar Allan Poe |
|
---|---|
Larawan dageryotipo ni Poe, kinuha noong 1848 sa edad na 39, isang taon bago siya sumakabilang-buhay. |

"Isasauli ko lang po"
ni John Rian Vergara
Isang hapon ng Martes sa Luneta na s’yang pinagmumulan ng lahat. Sa isang upuang malapit sa munumento ni Dr. Jose Rizal nakahiga si Benjo, isang walong taong gulang na pulubi sa Maynila. Nalibot na siguro ni Benjo ang buong Maynila sa paghahanap sa isang tao. Sino ang taong hinahanap n’ya, kahit s’ya hindi alam.
Habang naglalakad sa kahabaan ng Kalaw, nakapulot ng isang pitaka si Benjo. Nang silipin nya ang laman nito, bumungad sa kanya ang napakaraming pera. Biglang gumuhit sa kanyang mga mukha ang napakalaking saya. Maya-maya pa’y “Mayaman na Ako, mayaman na ako!” sigaw ni Benjo sa sobrang kaligayahan. Ang lahat ng tao’y napatingin sa kanya. Dali-daling tumakbo ang mga batang pulubi sa kinaroroonan n’ya. Nang makita ang hawak ni Benjo kanila itong biglang kinuha, sa takot ni Benjo napatakbo ito palayo sa mga kabaro. Nang makalayo, dahil sa pagkahapo umupo s’ya sa tabi ng munumento ni Graciano Lopez-Jaena sa Luneta. Muli niyang sinilip ang hawak na pitaka, binulatlat n’ya ang lahat ng bulsa sa pitaka. Nakita niya ang larawan ng isang pamilya. Ito marahil ang larawan ng pamilya ng may-ari. Hindi maintindihan ni Benjo, ngunit bigla-biglang tumulo ang luha n’ya. Tumayo siya at naglakad patungo sa munumento ng Pambansang Bayani.
Sa harapan ng rebulto ng Pambansang Bayani, tumayo si Benjo at nakipag-usap sa rebulto. “Anu pong gagawin ko rito sa pitakang ‘to?” waring tanung n’ya sa rebulto. Wala siya sa simbahan, pero ang rebulto ng pambansang bayani ang nagsilbing pari niya upang “magkumpisal” kahit wala pa sa isipan nito ang salitang iyon. Hindi batid ni Benjo na may isang matandang litrista ang malapit lang sa kinatatayuan n’ya. Narinig ng matanda ang kwento ni bata. Maya-maya pa’y lumapit ang matanda sa kay Benjo. “Isauli mo” ang tanging lumabas sa labi ng matanda. Napatingin si Benjo sa matanda, napalunok laway na may takot at gulat sa kanyang mga mata. Dali-daling tumakbo paayo sa matanda. Hindi n’ya alam kung anong naramdaman niya ng mga sandaling iyon. Ngunit batid n’yang ang narinig nya ay tama. At dito nagsimula ang paglibot ni Benjo sa Maybuuhan ng Maynila upang hanapin ang may-ari ng pitaka.
Mula sa Luneta hanggang sa nais n’yang patunguan, unti-unting nagamit ni Benjo ang perang nasa loob ng pitaka. Isang araw, napadpad siya sa lugar kung saan makikita ang mga malaking klase ng eroplano. Sa pagtatanong sa mga taong makakasalubong nya. Gamit ang larawang nasa palad, naituro ng isang babae ang may-ari ng pitaka. Sa isang masukal na eskinita, sumuong si Benjo. Sa tapat ng isang kulay pulang pinto siya ay kumatok. Nang mabuksan ang pinto isang batang lalaki ang sa kanya ay sumalubong. “Ano kailang mo?” tanung nang bata. “isasauli ko lang po” sabay labas sa mga kamay, hawak ang pitaka. Nagulat ang bata sa kanyang nakita. Agad siyang pumasok sa loob ng bahay at nang lumabas ng muli ay kasama na niya ang kanyang Ina at Ama. Niyakap siya ng mahigpit ng batang lalaki. Hindi nito alintana ang duming nakadigit sa katawan ni Benjo. “Pasensya na po kayo wala na pong lamang pera ang pitaka, kasi nagamit ko na po sa paghahanap sa inyo”. Ang laman lamang ng pitaka nang mapulot ito ni Benjo ay dalawang daang piso. Ngunit dahil sa ito’y binubuo ng apat na piraso ng Limampung perang papel inakala ni Benjo na napalaking halaga na nito, dahil na rin siguro sa walang pinag-aralanang bata. Kinuha ng Ama ng bata ang pitaka at isaisang sinilip ang mga bulsa ng pitaka. Laking tuwa nito nang makita nito ang ticket ng lotto na tumama ng halos limampung milyong piso at halos tatlong linggo ng nawawala kasama ng pitaka ng anak. Laking pasasalamat ng pamilya ng may-ari ng pitaka kay Benjo na ngayon ay kinupkop s’ya at kanya na ring matatawag na pamilya.