top of page

 

Panulaan

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Si Walt Whitman ay tanyag sa ika-19 

dantaong Amerikanong panulaan.

 

 

 

Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula.

Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.

 

 

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

http://tl.wikipedia.org/wiki/Panulaan

 

Si Walter Whitman (Mayo 31, 1819Marso 26, 1892) ay isang Amerikanong manunulat ng sanaysay, mamamahayag, at humanista. Bahagi siya ng panahon ng pagpapalit o transisyon sa pagitan ng transendentalismo at realismo, na nagsasama ng kanyang mga pananaw sa kanyang mga gawa. Isa si Whitman sa pinakamaiimpluhong mga makata sa patakarang Amerikano, na kalimitang tinatawag na ama ng malayang taludturan o malayang berso.Napakakontrobersiyal ng kanyang mga gawa noong kanyang kapanahunan, partikular ang kanyang kalipunan ng mga tulang Leaves of Grass (o "Mga Dahon ng Damo"), na nilarawan bilang bastos dahil sa bulgar na seksuwalidad nito.

 

 

 

MALAYANG

TULA

 

  • Wix Facebook page
  • Wix Twitter page
  • Wix Google+ page

Ipinanganak sa Long Island, naghanapbuhay si Whitman bilang isang tagapamahayag, isang guro, isang kleriko ng pamahalaan, at isang nagkusang-loob na nars noong panahon ng Amerikanong Digmaang Sibil, bilang karagdagan sa paglalathala ng kanyang panulaan. Sa kaagahan ng kanyang larangan, isinulat din niya ang nobelang Franklin Evans noong 1842. Unang nalathala ang pangunahing gawa ni Whitman na Leaves of Grass noong 1855 sa pamamagitan ng sarili niyang salapi. Ipinagpatuloy niyang palawakin at baguhin ito hanggang sa kanyang kamatayan noong 1892. Pagkaraan ng isang istrok patungo sa pagtatapos ng kanyang buhay, lumipat siya sa Camden, Bagong Jersey, kung saan lalong lumala ang hindi pagbuti ng kanyang kalusugan. Namatay siya sa edad na 72, at tinanaw ng madla ang kanyang libing.

Karaniwang tinatalakay ang seksuwalidad ni Whitman na kasama ng kanyang panulaan. Bagaman patuloy na nagtatalu-talo ang mga manunulat ng talambuhay hinggil sa kanyang seksuwalidad, karaniwan siyang itinuturing bilang homoseksuwal o biseksuwal. Hindi malinaw kung nagkaroon ng mga ugnayang seksuwal si Whitman sa mga kalalakihan. Nagbigay pansin si Whitman sa pulitika habang nabubuhay. Sinuportahan niya ang Wilmot Proviso at kinalaban ang malawakang pagdurugtong sa panahon ng pang-aalipin. Nagpakita ang kanyang mga tula ng isang egalitaryong pananaw ng mga lahi o lipi, at sa isang pagkakataon o punto tumawag siya ng pagtatanggal o abolisyon ng pagkakaroon ng mga alipin, ngunit pagdaka ay nakita niyang isang panganib para sa demokrasya ang kilusang abolisyonista.

 

"Kalikasan"

     ni John Rian Vergara

 

Ang lupa at tubig, ang hangin at langit

Luntiang paligid, puno ng pasakit

Sa taong nilalang, lubha ng paggamit

Ngayo'y di maipinta, di kayang ipilit

 

Ang tanong ko'y bakit, kailan sasapit

Ganda'y maibalik, mata'y maaakit 

Hiling ko'y maisip, ang taong namilit

Ingatang matuwid, buhay ay makamit.

"Para Sa'yo Ina"

    ni John Rian Vergara

 

 

 

Inalagaan, ako'y di nilisan

Ako may makulit, di pinagbuhatan

Inako ang hirap, nang di mahirapan

Buong kabataan, may kasaganahan

 

Ngayong di na bata, ako po'y hayaan

Ika'y paglingkuran, aking alagaan 

Suklian ang hirap, nang walang hangganan

ika'y tinuturing, isang kayamanan.

 

"Edukasyon"

     ni John Rian Vergara

 

 

Kayamanang di makamtan, lubusang di mahawakan

Pagkat ito ay pangarap, na nagsisilbing takbuhan

Ng maralita't mayaman, sa talinong tinaguan

Ng makata at mahirap, na nag-aabang ng iwan

 

Kalasag na siyang tauhan, sa mangungutyang mayaman 

Ang bibig na siyang sandigan, ang  magsasabi ng laban

Upang siya ay pabayaan, ng lahat ng nanindigan

Ang edukasyon panlaban, sa buhay na siyang tagpuan.

 

"Kaibigan"

November 17, 2011 at 7:37pm

 

 

 

Matalik kung ituring,  kaibigan sa akin

Malimit kung purihin,  mga gawa sa amin

Lagi kong sinasabi, sa utak ay isipin

Kaibigang matalik, laging alalahanin.

 

Subukang kilalanin, malaman ng ibigin

Taong siyang bukod tangi, sa akin ay umamin

Na siyang nagmalasakit, nagsabi ng damdamin 

Ganyan  ang kaibigan, ang dapat mong galangin.

LCS Bagets

LCS Bagets

ESLR Teachers

ESLR Teachers

VI - Ephesian 2013-2014

VI - Ephesian 2013-2014

Leviticus Chamber Singers

Leviticus Chamber Singers

Kanta Boyz

Kanta Boyz

JOHN RIAN VERGARA

© 2023 by ODAM LVIRAN. Proudly made by Wix.com.

  • facebook-square
  • Twitter Square
bottom of page