top of page

 

Sanaysay

 

Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na opinyon ng may-akda.

 

                                                   2 uri ng Sanaysay

Pormal o maanyo

Ang sanaysay na pormal o baguhan - sanaysay na tinatawag din na impersonal - Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.Maanyo rin ito kung turingan sapagkat ito'y talagang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong pagbibiro. Elemento ng Sanaysay: Panimula, Katawan at Wakas

Di-pormal o pamilya

Ang sanaysay na pamilyar o palagayan ay mapang-, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal. Idinidiin nito dito ang mga bagay-bagay, mga karanasan, at mga isyung bukod sa kababakasan ng katanungang isang tao personalidad ng may-akda ay maaring empatihayan o kasangkutan ng mambabasang medya ang pananalita ay parang pinag-uusapan lamang ng magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig, kaya magaan at madaling maintindihan. palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang pangunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.

 

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

http://tl.wikipedia.org/wiki/Sanaysay

 

SANAYSAY

JOHN RIAN VERGARA

© 2023 by ODAM LVIRAN. Proudly made by Wix.com.

  • facebook-square
  • Twitter Square
bottom of page